“It doesn’t matter what other people think or say. I don’t live to please them. What matters is I’ve made the most of what I have, I had fun, I learned from what I’ve done and I’ve lived through it all despite the gossips and intrigues. Being REAL is living a life fearless of other people’s shadow.”

bleh!

As told by Ms. Fernandez to Kaye last September 22, 2006 – Friday 

May makikilala ka bandang October o di kaya ay December ngayong taon. Magiging espesyal kayo sa isa’t isa ngunit hindi naman magiging kayo. [Oh? Sino naman kayo yun?] 

After college, mag aral muli at kunin ang course na talagang gusto mo. Ito ang magiging dahilan ng iyong pagyaman at pag punta sa ibang bansa.[Conservatory of Music?! O di kaya, hmmm...] 

Marami kang travel lines na ang ibig sabihin ay maraming beses na pag alis sa bansa.[Yesss!
Italy here I come!] 
Hindi ka yayaman sa Pilipinas. Mas uunlad ang iyong buhay sa ibang bansa.[Ay ganun. Tsk tsk.] 

Mabait ka at matulungin. Ipagpatuloy ang pagiging bukas palad sa kapwa.[Hehe, salamat. Hindi naman masyado.] 

May mga taong naiingit sayo kaya kung anu-anong masasamang bagay na hindi totoo ang sinasabi tungkol sa iyo. Huwag mag paapekto at maging matatag.[Super true. Sa mga taong ito, belat! Mind your own business. Get a life!] 

May mga kaibigan na tatraydurin ka. Mag ingat, makiramdam at huwag basta basta mag tiwala.[Sino kaya itong mga ito. Sana naman hindi.] 

Magkakaroon ka ng minor operation na magpapahaba ng iyong buhay.[Saan kaya. Hmmm...] 

Makikilala mo ang lalaking nakatadhana sa iyo pagdating mo ng 25 years old. [May ganun?
Talaga lang ha?!] 

Pinoy ngunit sa ibang bansa ipinanganak ang lalaking nakatadhana sa iyo. Sa ibang bansa sya nakatira ngunit dito kayo magkakakilala sa Pilipinas.[Ay, so ibig sabihin hindi sya up med student? Hehehe.] 

Maninirahan kayo sa ibang bansa at magkakaroon kayo ng dalawang anak na lalaki na magiging malapit sa iyo hanggang sa kanilang pagtanda. [Weeeh, two boys? haha! Astig.] 

Kung makakapag asawa ka ng lalaking dito ipinanganak sa Pilipinas ay hindi magiging maganda ang inyong buhay at pagsasama.[Ay ang lunkot naman.] 

Marami pa syang sinabi, nakalimutan ko na yung iba eh. Haha. Nakakatawa. Ang weird nung iba no? Hula lang naman yun. Kaya pwedeng totoo pwede ring hindi. :)  

“Napapalingon tuwing ika’y dumadaanNapapangiti hindi ko alam ang dahilanAlam kong hindi pu-pwedeng maging tayoPero minsan nag iiba, ang ikot ng, ang ikot ng mundo…” Ewan ko – Soapdish 

Yes Candymae, haha! Maganda nga ang kantang ito at batid ko ang dahilan kung bakit mo paborito ito. haha! Peace! :)  

Mga friends, gusto ku nga pala kayong i-welcome sa aking bagong blog. Salamat! God bless.:) 

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!